Una sa Balita

Suporta ng bench, kailangan ni Kawhi

0 311

TAPUSIN NA NATIN ‘TO!

NALUBOG ang Toronto Raptors 0-2 sa Eastern Conference Finals, pero nagawang sikwatin ang Game 3 kontra Milwaukee Bucks, at nagtuloy ang run sa postseason.

Isang panalo na lang ang naghihiwalay sa Raptors at sa Larry O’Brien Trophy.

Magagawa nila ‘yun kapag tinalo sa sariling teritoryo ang Golden State Warriors sa Game 5 ngayong araw.

“It’s going to be a battle, it’s going to be hard, but at the same time if we stay together and do everything we’re supposed to do, we have a chance,” lahad ni Raptors forward Pascal Siakam.

Pito sa huling walong laro ang naipanalo ng Toronto. May iniindang pananakit sa hita si Kawhi Leonard, pero rumesponde ang mga kakampi.
Danny Green, Fred VanVleet, Siakam. Pati si Marc Gasol.

Nagbaon ng 17 3-pointers ang Raptors sa Game 3 win kontra Golden State, may 10 long range bombs o higit pa sila sa 10 sunod na laro.

Mula sa bench, nag-deliver sa perimeter si VanVleet at si Serge Ibaka sa paint.

“Most teams, they’re expecting their bench to be better than ours,” ani Green. “and when they come outplaying their bench or giving us a huge plus against their starters, it’s due for a win when you’ve got guys performing like that off the bench.”

Isang panalo, sa Scotiabank Arena pa, at makukumpleto ang selebrasyon sa Toronto. Sa buong Canada, 24 na taon matapos sumali sa liga at sa unang sampa ng Raptors sa finals.

Kailangan nilang tapatan muli sina Stephen Curry, Klay Thompson, Andre Iguodala, Draymond Green at ang Warriors crew na sumikwat ng huling dalawang kampeonato.

Hindi lang si Leo­nard, kailangan niya ng matinding suporta ng Raptors. Nagawa nila ‘yun sa huling walong laro, isang buhos pa. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy