Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Suplay ng manok bumagsak

0 410

Ramdam na ang kakulangan sa suplay ng manok sa National Capital Region dahil tumataas na ang presyo ng manok.

Sa ulat ng National Meat Inspection Service (NMIS) ay nabawasan ng 25% ang imbentaryo ng frozen dressed chicken nakaraang June 6 at bumaba sa 23,264.46 tonelada kung ikukumpara sa 30,993.56 tonelada nakaraang taon ng nasabi ring panahon.

Sa datos pa ng NMIS, kapwa nabawasan ang imbentaryo ng frozen chicken na local at imported kung ihahambing sa dami nakaraang taon.

Paliwanag ng NMIS, nasa 6,704 tonelada na lamang ang imbentaryo ng local dressed chicken noong June 6 samantalang nasa 11,536 tonelada ito noong May 31, 2021 at 16,560 tonelada na lamang ang imbentaryo ng frozen imported chicken samantalang nasa 19,458 pa ito nakaraang taon.

Maaaring mas malaki ang nasa imbentaryo sapagkat kulang na kulang ang datos mula sa Central Visayas kung saan tatlong cold storage warehouses lamang ang nagsumite ng ulat sa NMIS.

Ayon sa NMIS, 262.64 toneladang local dressed chicken na lamang ang imbentaryo nito sa NCR at 4,346 tonelada na lamang ang frozen imported chicken.

Sa halos parehong panahon noong 2021 ay 1,349 tonelada ang imbentaryo ng local dressed chicken sa NCR at 6,575 tonelada ang frozen imported chicken. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.