Una sa Balita

Suplay ng bangus sapat – BFAR

By
0 59

WALANG dahilan para magtaas ng presyo ng bangus dahil sapat ang supply nito, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang paglilinaw ay ginawa ni BFAR Director Eduardo Gongona matapos tunaas ng P20 kada kilo ang presyo ng ba­ngus sa mga palengke, mula sa dating P140 kada kilo ay P160 na ito.

Ani Gongona, kahit pa man may libo-libong bangus ang namatay dahil sa pag-uulan sa ilang lugar sa bansa ay wala naman itong epekto dahil may sapat na suplay sa ibang mga lugar na maaaring pagkuhaan partikular sa Batangas at Iloilo.

Aniya, may dalawan­g insidente man ng fish kill sa Bulacan subalit madali naman itong nakarekober.

Maaari umano na tumaas ang presyo ng bangus sa palengke dahil sa pagtaas ng presyo ng galunggong.

“Nagiging determinant na kasi ng price of fish in the market iyong galunggong. Kung magkulang ng supply, tataas ‘yong presyo ng bangus saka tilapia,” paliwanag ni Gongona.

Ngayong buwan darating ang inangkat na galunggong at inaasahan ng BFAR na baba na ang presyo ng galunggong. (Tina Mendoza)