Una sa Balita

Supladita si Ateng! Vice ayaw magpa-selfie sa mga fan

0 600

Mas lalong naging suplada ang imag­e ni Vice Ganda ngayon, dahil sa pagtanggi niyang magkaroon ng photo opportunity sa mga fan na nagnanais siyang makasama.

Pero ito naman ay para lang makaiwas sa posibleng pagkahawa sa COVID-19 at matiyak ang kaligtasan ni Vice, pati na rin ng mga taong malalapit sa kanya.

Hindi rin puwedeng husgahan agad-agad si Vice dahil humingi na siya ng paumanhin sa kanyang tweet na tatanggi na siya sa mga nagnanais na makapag-selfie sa kanya.

“Pasensya na po talaga sa mga ‘di ko napagbibigyan ng selfie. Sana po talaga ay maunawan ng lahat ang social distancing para sa ngayon,” sabi ni Vice.

Samantala, nanawagan na rin si Luis Manzano sa kanyang Instagram ng konsiderasyon sa mga taong hindi sumusunod sa mga payo tungkol sa COVID-19.

“So, pakiusap na lang sa lahat ng mga makakasama ko sa mga darating na linggo, let’s take care of each other ok? Wag naman tayo umubo o humaching ng harap harapan. Puwede sa loob ng siko o ‘di kaya yumuko para papuntang sahig ang ubo o sneeze. Tulungan tayo,” pakiusap ni Luis.

Pinaalalahanan din ni Luis ang mga may sakit na mag-mask.

Beauty hindi imbitado sa pa-dinner ni Dimples

Hindi ba talaga magkaibigan sina Dimples Romana at Beauty Gonzales? O sadyang abala lang ang huli sa kanyang mga travel sa mga dagat?

Nagkaroon ng gathering si Dimples sa kanyang tahanan kasama ang ilan niyang co-star sa nagtapos nilang serye na “Kadenang Ginto” na sina Luis Alandy at Erick Fructouso. Bagamat hindi kabilang sa KD serye, nandoon din ang mag-asawang Lara Quigaman at Marco Alcaraz.

Nagpa-dinner si Dimples at ang kanyang asawang si Boyet sa mga nabanggit na tinawag nga niyang friends. At wala nga roon si Beauty, pati na ang iba pa sa mga nakasama ni Dimples sa nabanggit na teleserye.

Well, noon pa naman ay sinasabing sadyang hindi nagba-bonding sina Beauty at Dimples, para raw magampanan nila ng maayos ang kanilang role bilang magkaaway.

At makikita naman sa mga post ni Beauty na nasa isang island resort siya at panay ang balandra ng kanyang mga bikini photo.

Angeline Quinto nagpakalat ng boobs, tambok sa Bora

Pinagti-tripan ngayon ang ilan sa mga sexy photo ni Angeline Quinto na kuha sa Boracay. Nakabalandra sa Instagram ng biriterang singer ang two piece bikini photo niya na lantad ang kanyang katawan.

May isang selfie top shot si Angeline na nagpapakita ng kanyang mga pakwan.

Umaalagwa sa laki ang mga bundok ng singer, na noon pa naman ay talagang gifted na.

Sa isang photo naman, may whole body shot si Angeline na naka-high waist two piece bikini sya. Semi-sided ang pagkakaanggulo ni Angeline sa kanyang katawan pero hindi pa rin nakaligtas sa mata ng ilan ang matambok niyang harapan.

Parang unan na busog sa laman ang pagkakabakat sa suot na two piece ang hiyas ni Angeline. Nagkalat at nagsabog nga raw ng kanyang tambok sa Bora ang Kapamilya star.

Well, nagkalaman kasi si Angeline kaya nagkalaman din ang mga bahagi ng kanyang katawan, lalo na ang boobs at flower niya.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More