Una sa Balita

Supervisor ng resto bar huli sa pang-oonse ng kita

By
0 2,553

Ipinapaareto ng may-ari ng isang resto bar ang kanyang sariling supervisor makaraang hindi ideposito ng huli ang kita nito sa bangko kamaka­lawa ng gabi sa Barangay Wack-Wack, Mandaluyong City.

Nakilala ang suspek na si Micaela Velasquez y Manuel, nasa hustong gulang, supervisor ng Dan’s Resto Bar na nahaharap sa kasong qua­lified theft at falsification of private documents makaraang ireklamo ng bar manager na si Karlo Sigrid Torres y Uy.

Batay sa report, ipinahuli ni Torres ang kanyang supervisor matapos na mabuking na hindi idineposito sa bangko ang P300,000 kita ng Dan’s Resto Bar na matatagpuan sa 711 Shaw Blvd., Barangay Wack-Wack, Mandalu­yong City.

Nalaman ni Torres ang pang-oonse ni Velasquez nang tumawag ang isang staff ng bangko sa kanya at sinabing walang pondo ang inis­yu niyang tseke na nagkakahalagang P71,000.

Agad niyang ipinatawag si Velasquez at dito na hinuli at dinala sa Mandaluyong Police para sa pagsasampa ng kaso.