Supermarket sa Paco, natupok

By ,

Sugatan ang isang bumbero habang natupok naman ang apat na palapag na supermarket matapos sumiklab ang sunog na umabot sa ikatlong alarma kahapon ng madaling-araw sa Paco, Maynila.

Ayon sa Manila Bureau­ of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa ‘stock room’ ng ikala­wang palapag ng Cligan­Mart, na pagmamay-ari ni Richard Reyes na nagla­laman ng mga alak.

Alas-5:39 ng mada­ling-araw nang magsi­mula ang sunog na uma­bot sa ikatlong alarma dakong alas-5:44 ng madaling-araw sa 1619 A. Linao St., Paco, Maynila, bago idineklarang fire under control dakong alas-10:30 ng umaga.

Isa sa mga rumespondeng bumbero na si FO3 Marlon Podolig ang nagtamo ng 1st degree burn sa ilong.

Samantala, ligtas namang nakalabas ang mga trabahador ng gusali na tinatayang nasa 30 katao.

Kaugnay nito, isinara ng Manila Traffic and Parking Bureau (MPTB) ang kalsada sa Angel Linao St., mula Pedro Gil hanggang Nakpil St., habang inaapula ang sunog.

Patuloy na inaalam ng arson investigators kung ano ang naging sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng napinsala. 

SHARE