Una sa Balita

Supermarket na may ASF pinalusot ni Belmonte

0 262

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi nila pakakasuhan ang mga supermarket na nagbebenta ng karneng may African Swine Flu.

Ayon kay Belmonte, nakipagtulungan naman sa kanila ang supermarket sa pamamagitan ng ­pagbigay ng sample ng binebenta nilang karne ng baboy.

Pumayag din ang management ng ­supermarket na ipadlak ang freezer at itapon ang buong ­inventory ng karneng baboy.

“Ipapakulong pa ba natin sila? Tingin ko, hindi na,” wika ni Belmonte.
Inatasan din ng alkalde ang iba pang ­supermarket na lumapit sa kanila upang mapasuri ang mga ­binebenta nilang karne.

Aniya, sasabit lang ang mga supermarket kung itatago nila ang mga karne na positibo sa ASF.

Nitong Biyernes ay inanunsyo ni Belmonte na maglalabas siya ng executive order hinggil sa isyu ng mga karneng may ASF na pinapasok sa mga ­supermarket sa lungsod ng Quezon.

Nadismaya ang punong alkalde sa mga ­natuklasan na may sertipikasyon pa ng ­National Meat Inspection Service ang mga meat ­product na nagpositibo sa ASF.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More