Una sa Balita

Superman lang ang makaka-solve ng traffic – Bong Go

0 544

Naitanong kay Senador Bong Go kung wala na bang pag-asang maresolba ang trapik na nararanasan sa Metro Manila.

Para umano sa kanya, si Superman lang ang makaka-solve sa trapik.

“Para sa akin, ang makaka-solve lang ng traffic ay si Superman,” saad niya sa isang panayam.

Dagdag pa ng senador, hindi siya sang-ayon na may transportation crisis sa Metro Manila.

Ang problema aniya sa matinding trapik ay matagal nang nangyayari.

“Matagal na iyan. Hindi natin masasabi na crisis, it’s been there, napakatagal na ang traffic sa Metro Manila,” saad niya.

Hindi na rin aniya maipapangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na mareresolba nito ang trapik sa Metro Manila dahil alam umano nito na hindi ito magagawa.

“Si Pangulo hindi nangangako iyan ng hindi niya kayang gawin. Hindi natin ma-solve ito, kaya sinabi ko kanina umuwi na lang tayo sa probinsiya. Maluwang pa doon, gumawa na lang tayo ng bagong siyudad,” sabi pa ng mambabatas.

Maging ang pagbibigay din umano sa Pangulo ng emergency powers para sa trapik ay hindi na uubra dahil patapos na ang termino nito. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy