Una sa Balita

Super tsansing: Alessandra galawang hokage kay Piolo

0 405

Sinita ng mga fan si Alessandra de Rossi dahil feeling nila, para-paraan ang aktres/direktor (na rin ngayon) sa pangtsatsansing kay Piolo Pascual.

Sa isang photo nga nila ay makikitang hawak-­hawak ni Alessandra ang katawan ni Piolo, na patawa-tawa lang, na ­pa­­rang nakikiliti, ha! Eh sa photo na `yon, nakatapis lang ng tuwalya si Piolo, kaya naman super inggit na ­inggit talaga ang mga ­hitad na nagpapantasya sa mahusay na aktor.

Sabi nga ng isang fan IG account ni Piolo, piolopascual_ph; “­Para-para­an.”
Na agad namang itinanggi ni Alessandra: “Grabe. Napahawak lang talaga ako. Hindi ko sadya. Excuse me, padaan #fuffyandfream.”

Well, jackpot nga si Alessandra sa first movie na siya ang direktor, at bida na rin. Bukod sa ­ikinasal na siya kay Piolo, maya’t maya rin niyang nasisilip ang kakisigan nito, ha!

At malay natin, baka may matitinding ­lampu­n­­gan din silang dalawa. At dahil siya naman­ ang direktor, baka pwede nga niyang igiit `yon.

Heto nga ang inggit na inggit na reaksyon ng mga fan sa panlalandi ni Alessandra­ kay Piolo:

skye.hawke “Sa panahon namin tawag namin dyan “chancing”……lol.”
justkimcc “pinagpala sa babaeng lahat.”

bayangmagiliw “Susme! Pakisabi napapanaginipan ko na si Piolo! Pangatlong gabi na.”

hygge.1201 “At bigla akong naiingit kay Alex I want my bad.”
khal_benjen “Gala­wang Hokage.”

iheartcjg “Yang kamay mo @msderossi kung saan-saan nakakahawak hehehe.”

mrsrcq “At hindi ­nanghina ang tuhod mo? @msderossi.”

Well, marami na nga ang excited na mapanood ang movie nilang Fuffy And Fream. Gaano nga ba kahusay na direktor ang isang mahusay na aktres?

Daniel, Moira liyamado sa ‘Himig Handog’

Labindalawang kanta na sumasalamin sa hirap at pag-asang dala ng pag-ibig ang bumubuo sa top 12 ng Himig Handog 2019 na maglalaban-laban para maiuwi ang ‘Best Song’ sa pinakamalaking songwriting competition sa bansa.

Mula sa halos 4,000 nagpadala ng mga kanta, mabusising pinili ang labindalawang nangi­babaw na mga awitin na ­isinabuhay ng mga mahuhusay na mang-aawit.

Magbabalik-kompetis­yon at nagsanib-pwersa ngayong taon sina ­Daniel Padilla at Moira Dela Torre sa pagkanta ng ­awitin ni Dan Martel Simon Tañedo na “Mabagal.” Liyamado na nga raw ang dalawa, at siguradong mag-uuwi ng panalo.

Ang bida naman ng “The Killer Bride” na si Janella Salvador ay muli ring inihandog ang kanyang boses sa kantang “Nung Tayo Pa” na ­isinulat nina Rex Torremoro at ­Elmar Jann Bolaño.

Ang dating contestant ng “Idol Philippines” na si Alekzandra Nicolle Quita­lig ay susubok sa ibang kompetisyon gamit ang sarili niyang awitin na “Alaala.” Inawit din ng singer-songwriter mula Davao na si Eamarie ­Gilayo ang sarili niyang kanta na “Ikaw at Linggo.”

Isa pang dating “Idol Philippines” contender na si Vanya Castor ang luma­laban sa edisyon ng Himig Handog ngayong taon sa pag-awit ng kantang “Paano Ba” ni Richanne Charms Jacinto. Ang da­ting “X Factor Australia” contestant naman na si Justin Vasquez ang umawit ng kantang “Isa Pang Ikaw” ni Joseph Ponce.

Ang awiting “Panandalian” naman ang pambato nina Jerome Arcangel at Cee Jay Del Rosario na ina­wit ni TJ Monterde, habang nagbabalik-kompe­ti­s­­yon din ang songwriter na si Michael Angelo “Aikee”­ Aplacador gamit ang kantang “Please Lang,” na binigyang-buhay ni Alex Gonzaga.

Hatid naman ni Joan Da ang kanta niya at ng asawang si LJ Manzano na “Sasabihin Ko,” ­habang sasabak ulit sa kompetis­yon si Davey Langit sa pamamagitan ng pag-awit ng kanta niya at ng asawa niyang si Therese Marie Villarante na “Simula ng Dulo.”

Ang I Belong To The Zoo naman ang umawit sa awitin ni Ferdinand Aragon na “Ingat,” habang si Janine­ Berdin ang nagbigay-kulay sa awitin ni Noah Zuniga na “Sa’yong Mundo.”

Sa paglipas ng mga taon, ang mga awitin mula sa Himig Handog ay pumukaw sa damdamin ng mga Pilipinong tagapakinig sa bansa at buong mundo. Ang kompetisyon ay nanatiling totoo sa misyon nito na patuloy na ipakilala ang OPM saan man sa mundo sa pamamagitan ng paghahanap ng mga pinakamagagandang orihinal na awiting gawa ng mga Pilipino.

Ang mananalo sa Himig Handog 2019 ay makakatanggap ng isang milyong piso, habang ang ikalawa, ikatlo, ikaapat at ikalimang pwesto naman ay makakakuha ng P500,000, P200,000, P150,000, at P100,000 premyo. Abangan ang grand finals ng kompetisyon live sa “ASAP Natin ‘To” ngayong October 13.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy