Una sa Balita

Super Sonic haharurot

0 190

MULING masisilayan ang tikas ni Super Sonic pagsalang nito sa Group Race Merged (9-10) ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Patok sa karera tipsters ng programa ng karera si Super Sonic na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the year awardee Jessie B. Guce.

May distansyang 1,400 meters kung saan 10 kabayo ang kasali sa event na inorganisa ng Philippine racing Commission (PHILRACOM).

Ang ibang kalahok ay sina Tontoneeto, magkakamping Boss Nova at Eyeshot, El Mundo, Ilove Jane, Sizzling Hot, Yes Kitty, Digame at kakuwadra ni Super Sonic na si Universe.

“Magaling si Super Sonic pero hindi pa rin tayo nakasisisguro dahil may tikas din ang mga kalaban,” ani Guce. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy