Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Super sikat na aktor nilihim ang sakit

0 114

Magaling na raw ang isang super sikat na aktor after niyang mag-positive sa Covid-19.

In fairness, more than two weeks na rin naman ang lumipas after lumabas ng kanyang RT-PCR swab test.

Pero may mga nakakaalam man ng tungkol sa pagkakasakit ni sikat na aktor, quiet naman siya tungkol doon.

Gusto kaya niyang ilihim ang tungkol doon? May iba kasing nagtatanong kung ise-share raw ba ni sikat na aktor ang tungkol sa kanyang pagkakasakit sa vlog ng kanyang girlfriend na super sikat din?

Well, ngayong uso talaga na nagba-vlog ang mga celebrity, hindi na kami magtataka kung bigla ngang magkaroon sila ng exclusive vlog tungkol sa naging experience ni sikat na aktor nang magka-Covid-19 siya.

Maja, Rambo nag-enjoy sa Big Bear

Hanggang sa Sunday lang sa Los Angeles, California ang mag-sweetheart na Maja Salvador at Rambo Nuñez.

‘Katuwa lang na malapit din ang brother ni Maja na si Kirby Andres sa pamilya ni Rambo.

Kasama nga kasi ni Rambo sa LA ang nanay niyang si Ms. Marilen Nuñez, mga kapatid at ilang mga pamangkin.

Nakapag-enjoy nga pala sila sa West Coast dahil nakapunta rin sila ng Big Bear.

Doon ay may snow, kaya naman mas enjoy sina Maja at Rambo.

Kung sa Sunday ang alis nila ng LA, sa Tuesday ang dating nila rito at magkwa-quarantine muna sila bago makabalik si Maja sa trabaho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.