Una sa Balita

‘Super rich’ ng China, sumuko na sa datung

0 534

Inanunsyo ni Alibaba co-founder at chief Jack Ma ang kanyang pagreretiro, epektibo ngayon­g Lunes upang pagtuunan ng pansin ang pagkawang­gawa sa edukasyon.

Isang English teacher si Ma bago niya pasimulan ang Alibaba noong 1999 at maging multi-billion dollar Internet company.

Noong 1999, nakalikom si Ma ng $60,000 mula sa kanyang mga kaibigan at ginamit itong puhunan sa pagtatayo ng e-commerce firm Aliba­ba. Ang halaga ng kompanya ngayon ay pumapalo sa $420.8 bilyon.

Kabilang si Ma sa itinuturing na ‘super rich’ ng China kung saan ang net worth niya ay tinaya ng Forbes magazine na nasa $36.6 bilyon.

Magdiriwang ng ika-54 kaarawan si Ma nga­yong Lunes, ang araw din ng kanyang pagreretiro sa kompanya.
Pagtutuunan ni Ma ang Jack Ma Foundation upang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa China at sa iba pang panig ng mundo.