Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Super lambingan sa US: Lovi, Monty nasabik sa isa’t isa

0 112

Magkasama na nga sina Lovi Poe at dyowang Montgomery Blencowe, matapos na hindi magkita ng ilang buwan. Halata ngang nasabik sila sa isa’t isa kaya todo lambingan ang dalawa.

Bago matapos ang Setyembre ay nagkaroon ng chance si Lovi na lumipad pa-US upang bisitahin ang kanyang nobyo.

Sweet na sweet ang dalawa sa kanilang reunion photo na ibinahagi ni Lovi sa kanyang Instagram. Pati si Monty ay nag-post din ng kanilang much-awaited reunion kung saan pinagtabi niya ang pre-pandemic at new normal date photos nila, “Last year vs. this year.”

Sa previous interview ni Lovi ay sinabi niya na isa sa susi ng kanilang healthy long-distance relationship ang communication, “Communication is key. Kahit nga hindi long-distance relationship, it’s important to communicate.” (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.