Una sa Balita

Super inip na sa bahay: Martin nang-aliw ng mga fan sa Facebook

0 680

Dahil nasa bahay lang, nag-Facebook live si Martin Nievera noong isang gabi, kaya naman happy ang kanyang mga friend, mga fan at follower.

Sinagot ni Martin ang iba’t ibang mga tanong sa kanya.

Nasa bahay lang kasi ang Concert King dahil nga sa Luzon-wide enhanced quarantine, kaya may time siyang gawin ‘yon. Bale test run lang daw ‘yon dahil balak nga raw niyang mag-FB live ng madalas.

Pero ‘yung test run na ‘yon, almost three hours tumagal, huh!

Actually, kinantahan pa nga niya ang mga nanood sa kanyang FB live. Marami-rami rin siyang kinanta, kaya naman natuwa ang lahat.

Samantala, nang maka-text ko rin si Martin, tinanong ko siya kung ano pa ba ang ginagawa niya para hindi ma-bore?

Sagot ni Martin, “Treadmill, meals as a family, trying to write new songs, trying to learn how to inspire others on social media.

“Going on line with family all over the world all at the same time.

“Binge watching Netflix, fixing my house, planning to paint, make shelves, cleaning out closets, sleep longer, paying more attention to my pugs.

“Worrying, praying, staying positive, staying home!”

Actually, kapag tine-text ko naman si Martin at tinatanong for my deadline ay kaagad siyang nagre-reply.

***

Cong. Alfred 10 araw nang nakakulong sa kuwarto

Ka-DM (direct messaging) ko naman sa Instagram si Representative Alfred Vargas. Sa Wednesday ay matatapos na ang kanyang pagse-self quarantine nang mahigit sampung araw.

So, makakapiling na niya ang misis na si Yasmine at tatlo nilang mga anak. Bakit nag-self quarantine ang actor/politician?

“For safety lang and reco ng House of Representative dahil meron kasing nag-positive (ng COVID-19) sa Congress, kaya better to be safe talaga.

“So far, ok naman ako at walang symptoms,” sabi ni Alfred.

Parang ang layo-layo ni Alfred sa kanyang mag-iina, pero ang totoo, sa bahay lang naman nila siya naka-self quarantine. Nasa isang kuwarto raw siya at hindi lumalabas.

“Dito lang ako sa isang room sa bahay namin. Through Viber lang kami nag-uusap ng pamilya ko.

“Then teleconference naman sa staff ko para sa operations sa pagtulong laban sa COVID-19.

“Todo-monitor naman ako sa district, bale 24/7.

“We have many projects to help people here, kaso, kulang pa rin. We need help from more donors,” sabi pa ng actor/politician.

***

Sitwasyon sa California tutukan sa Abante News Online

May mga nagtatanong naman sa akin kung kumusta sa California dahil sa lockdown din at utos na stay at home muna?

Sa Abante News Online Facebook page ay ilang beses akong nag-report ng situation sa Orange County kung saan ako ngayon.

Actually, puwedeng mag-walking around the area, pero ang advice nga, dapat six feet away ka sa ibang mga tao.

Bukas naman ang groceries at ‘yung mga importanteng stores. Kahapon nga, bago ako nag-deadline, nagpunta pa ako sa Target para makapag-report. Nagpunta rin ako sa Pavilions supermarket para mag-grocery.

Ang ilang restaurants naman, bukas pa rin, pero puro take-outs at deliveries na lang.

Anyway, today ng 9:00AM (Manila time), magla-live show ako para sa Anything Goes sa Abante News Online Facebook page at maiinterbyu ko ang isang Pinay na negosyante (may iba’t ibang businesses siya katulad ng restaurant at nagpo-produce rin ng mga Pinoy show).

Kukumustahin ko sa kanya ang iba’t ibang Filipino businesses ngayon sa California at kumusta na ba ang ilang Pinoy shows na na-postpone.

Worldwide problem ang COVID-19, pero like in Orange County kung saan ako ngayon ay wala naman akong nakikitang nagkakagulo.

At katulad ng palaging sinasabi namin dito sa Abante, keep safe everyone and God bless us all! (Jun Lalin)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More