Una sa Balita

Super inip na sa bahay: Annabelle miss na ang mga apong sina Zion, Kai

0 598

In fairness to Annabelle Rama, kahit lakwatsera siya, aba, stay at home lang talaga siya, huh! Hindi siya tumatakas ng bahay kahit bored na siya.

Kahapon nga, naramdaman ko na bored talaga si Bisaya dahil ilang beses siyang tumawag sa akin – as in sunod-sunod na tawag, huh!

“Bored na talaga ako, pero hindi naman puwedeng lumabas. Saka takot din naman ako sa COVID-19!” sabi niya.

Marami naman sila sa bahay. Bukod sa mister niyang si Eddie Gutierrez, kasama nila ang anak na si Elvis Gutierrez, misis nito na si Alexa Uichico, mga apong sina Aria at Ezra, at ilang mga kasama sa bahay, kaya kahit paano, mga kausap siya.

Masaya rin daw na may mga apo siya na nasa bahay, pero missed na niya ang mga apong sina Zion at Kai, na mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa Quezon City kasi ang bahay nina Bisaya at Tito Eddie at nasa Alabang naman sina Richard at Sarah.

Ang malapit sa newly wed ay si Ruffa Gutierrez at ang mga anak niyang sina Lorin at Venice. Iisang village lang sila.

Anyway, ramdam ko ang boredom ni Bisaya dahil bawat tawag niya sa akin kahapon ay almost one hour, huh!

Kung ano-anong throwback stories ang topic ng tsikahan namin ni Bisaya pati hanggang sa araw-araw na niyang pagsa-shampoo sa bahay dahil noon ay palagi siyang sa parlor nagpapa-shampoo.

“Nami-miss ko na ang Abante at Abante TONITE. Ilang araw na akong walang delivery,” sabi ni Bisaya at in-explain ko nga sa kanya na nasa online naman ang dalawang tabloids dahil mahirap din namang makabili ng newspapers ngayon dahil nga sa Luzon-wide enhanced quarantine.

“Tita, mag-online ka kasi, para huwag mong ma-miss ang columns namin nina Dondon (Sermino, our editor), Jun (Nardo) at ipa pang columnists,” sey ko na lang sa kanya.

In fairness to Bisaya, loyalista kasi siya ng dalawang tabloids ng PRAGE Management Services, Inc., kaya for sure, kaya natapos na ang quarantine na ito dahil sa COVID-19 ay una si Bisaya sa bibili ng hard copy ng Abante at Abante TONITE, ‘noh?!

Gwen Zamora, David abala sa pagtatanim sa bukid

Si David Semerad naman na fiancé ni Gwen Zamora, nasa Semerad cabin lang daw kasama ang anak nilang si Baby Cooper. Doon sila sa farm nila somewhere in Batangas.

Mabuti na lang at marami rin silang tanim doon, kaya enjoy naman sila, plus sobra silang naaaliw kay Baby Cooper.

“Better to stay at home to be safe!” sey ng PBA player.

Madalas, kung ano-anong home improvement ang ginagawa ni David sa cabin nila at enjoy naman siya sa ganoon.

Mahilig din kasi sa do-it-yourself home improvement si David plus nagtatanim din sila ng kung ano-anong gulay at prutas sa kanilang farm.

Siyempre, panay rin ang exercise ni David, pati na rin ni Gwen, pata mas lumakas ang stamina nila!

So bongga!

Sam Pinto, Anthony kakaiba ang ‘exercise’ sa Australia

Ang twin-brother naman ni David, si Anthony Semerad, nasa lugar nila sa Brisbane, Australia kasama ang fiancé niyang si Sam Pinto.

Sabi ni Anthony, “Got stuck here. Been here for more than one month already. We have to extend for another month, depends how things go.”

Dahil kasama niya si Sam, kaya ok lang naman na magtagal siya sa Brisbane. Sa house raw sila ng parents niya.

Sabi ko kay Anthony, “You’re with Sam, so I’m sure you’re not bored. Hahaha!”

“Hahaha!!!” natatawang sagot ni Anthony.

Ipinaalala rin ng basketbolista sa akin na, “Stay safe! Stay home! Let’s keep in touch.”

Ngayon, nasa bahay lang daw sina Anthony at Sam at panay rin ang exercise nilang dalawa. May gym equipment din kasi si Anthony sa bahay nila sa Brisbane, kaya hindi na nila kailangan pang lumabas ni Sam.

Hmph! I’m sure, marami pang ibang “exercise” na pinagkakaabalahan sina Anthony at Sam, huh!

Hahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More