Una sa Balita

‘Super Horse’ si Bugle Notes

0 346

HINDI binigo ni Bugle Notes ang kanyang mga fan matapos magtala ng impresibong panalo sa PHILRACOM-RBHS Class 2 Linggo ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kumaripas agad sa unahan si outstanding favorite Bugle Notes paglabas ng aparato para hawakan ang apat na kabayong agwat sa backstretch.

Dahil sa tulin ng aire (pacing) hindi na nakadikit ang mga nakatunggali kabilang si second choice favorite Shanghai Noon.

“Sobra galing parang bitin pa sa kanya ‘yung distansiya,” saad ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the year awardee Jonathan Hernandez.

Nirehistro ni Bugle­ Notes ang tiyempong­ 1:26.5 minuto sa 1,400-meter race.
Tinanggap ng Bell Racing Stable ang karagdagang P20,000 premyo ni Bugle Notes mula sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Dumating na segundo si Hookbung Dagat, tersero si Erik The Viking habang pang-apat si Hot And Spicy. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More