Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Super harutan, landian: DongYan daig pa ang mga bagong kasal

0 116

Hindi talaga nawawala ang apoy, matinding lambingan kina Marian Rivera, Dingdong Dantes.

Ngayon ngang kahit papaano ay nakakabalik na sa normal na ganap ang karamihan, bumabalik na rin ang harutan ng dalawa sa labas ng kanilang bahay.

Well, noon pa man ay madalas na talagang mag-date sina Marian at Dingdong. Na kahit magkasama naman sila sa bahay, sa kuwarto, sinisigurado ng dalawa na naglalaan pa rin sila ng oras para sa isa’t isa, at ‘yun nga, ang mag-date ang madalas na drama nila.

At ngayon nga, madalas na ngang nakikita ang dalawa na nagdi-dinner date. At siyempre, tulad ng mga magdyowa, para pa ring nagliligawan ang dalawa.

Makikita nga ang kakulitan ni Dingdong sa dinner date nila ni Marian. At siyempre, makikita rin ang pag-aasikaso ni Marian sa dyowa niya.

Sabi nga ng mga fan, daig pa nina Marian at Dingdong ang mga bagong kasal, ha! Todo pa rin kasi ang landian, harutan nila.

Kaya ang mga fan, super aliw sa mga idolo nila. Wala nga raw kupas ang lambingan ng dalawa.

Anyway, ang dami ring kinilig sa bagong sitcom nina Marian, Dingdong, ang ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa’ na mapapanood sa GMA 7. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.