Una sa Balita

Live Boxing Month: Ex-Olympian Barriga kontra Mehikano

0 1,473

Masaskasihan ang matitinding upakan nga­yong Mayo sa pagsambulat ng ESPN5 ‘Live Boxing Month’ bilang handog sa mga Pinoy na panatiko ng larong boksing.

Pambungad na aksyon sa Mayo 13, Linggo, alas-10:00 ng umaga ang world lightweight championship nina Jorge Lina­res (44-3, 27KOs) kontra pound-for-pound great Vasyl Lomachenko (10-1, 8KOs). Itataya ni Linares ang WBA lightweight belt kontra hard-hitter Lomachenko.

Bandang alas-tres ng hapon, pasiklab ang mga Pinoy Pug tampok ang siyam na salpukan sa SM North EDSA Skydome. Handog ang tinaguriang “Survival Instinct’ bouts ng MP Promotions at Knuckleheads Pro Boxin­g Fraternity, katuwang ang Joven Sports Promotions.

Sasagupa dito si 2012 London Olympian Mark Anthony Barriga (8-0, 1KO) katapat si Mexican Gabriel Mendoza (29-5-2, 23KOs) sa IBF minimum weight world title eliminator.

Magsisilbing mandatory challenger ang magwawagi sa umbagan kontra champion Hiroto Kyoguchi ng Japan.

Tampok pa ang ilang Filipino fighters na sina featherweight A.J. ‘Bazooka’ Banal, ‘Marvelous’ Marvin Sonsona at world title challenger Genesis Servania.

Mabibili ang mga tiket sa SM Ticket Outlet o sa www.smtickets.com at mapapanood nang live sa Channel 5, Aksyon TV at ESPN5.com.