Una sa Balita

Super bagyo binabantayan ng Pagasa

0 513

BINABANTAYAN ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang namataan na isang malakas na bagyo sa Pacific coast.

Ayon sa weather forecast, ang bagyong Wutip na nasa layong 1,815 kilometro ng Visayas ay nagtatag­lay ng 185 kilometers per hour (kph) na lakas ng hangin at 225 kph na gustiness o pagbugso.

Bagama’t maliit ang tsansa na pumasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR), posible pa ring mabago ang track o direksyon nito, ayon kay Pagasa weather specialist Gener Quitlong.

“May mino-monitor po tayong isang napakalakas na bagyo… bagama’t sa ngayon hindi pa naman natin nakikitang aabot ng supertyphoon ito,” sabi pa ni Quitlong sa radyo.

Kasama sa kategorya ng supertyphoon ang mga bagyo na may taglas na lakas na 220 kph pataas.

Aniya, sa ngayon ay malayong maapektuhan ang Pilipinas ni Wutib dahil malayo sa bansa ang sakop nitong ulan.
Unti-unti na umanong nababawasan ang amihan na nararamdaman sa bansa sa pagpasok ng mainit na panahon. Ang amihan season ay maaaring matapos sa first o second week ng buwan ng Marso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy