Una sa Balita

Supalpal ni Lawal pumatay sa Phoenix

0 212

NILUSAW ni Gani Lawal, Jr. ang pag-asa ng Phoenix Fuel Masters na dalhin sa extra five minutes ang laro para tulungan ang Meralco Bolts na ipreserba ang 101-95 panalo sa 2019 PBA Commissioner’s Cup eliminations Biyernes sa Big Dome.

May tsansa sana ang Phoenix na dalhin sa overtime ang laban sa score na 98-95 sa huling 13 segundo ng laro subalit sinupalpal ni Lawal ang tangkang tres ni Matthew Wright.

Itinanghal na Best Player ng laro si Baser Amer sa pagkulekta ng 20 markers sa likod ng 9-of-16 field goal.

Nagsalpak din si Amer ng 2-of-5 sa three point area kasama pa ang tig-4 boards at feeds.

Pinangunahan muli ni Lawal ang Meralco sa kinubrang 23 puntos, 24 rebounds, 2 assists, 1 steal at 2 blocks.

Angat sa 3-2 pana­lo-talo baraha ang Meralco habang laglag ang Phoenix sa 1-2 kartada.

Naglaro ang Fuel Masters na wala si Calvin Abueva na napatawan ng indefinite suspension, at si head coach Louie Alas na dalawang laro namang suspendido sa mga kinasangkutang gulo sa kanilang huling­ laban. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy