Una sa Balita

Sunshine tinalakan ang kaibigan ni Cesar

By
0 1,012

Hindi napigilan ang aktres na si Sunshine Cruz na sagutin ang binigay na comment ng ex-husband niyang si Cesar Montano sa kolum ni Dolly Ann Carvajal sa Philippine Daily Inquirer.

Kinulit diumano ni Dolly Ann si Cesar na magbigay ng comment sa pagkaka-annul ng kasal nito kay Sunshine.

Hindi nga nagga-grant ng interview si Cesar sa kahit na sino dahil nais niyang protektahan ang tatlong anak nila ni Sunshine.

Pagkatapos ng ilang araw ay nagbigay ng comment niya ang aktor via text kay Dolly Ann.

“I believe God allows everything to happen for a purpose. Marriage is one of the most expensive schools of highest learning in life. But more valuable than money is time. God didn’t let me get out of it without learning something. God is good, all glory to Him,” ang mensahe ni Cesar.

Dahil nakaka-relate si Dolly Ann sa pinagdaanan ngayon nina Cesar at Sunshine, heto ang nasabi niya tungkol sa sitwasyon ng dalawa:

“Since my marriage has also been annulled many love stories ago, I can totally relate with Buboy. But just because a marriage ended, it does not mean that it failed if both parties have become better persons and learned what they had to learn.

“For whatever Buboy and Shine have shared is worth and for the sake of their three lovely daughters, may they find their way back to friendship and honor the memory of the love that brought them together, once upon a time.”

Noong mabasa nga ito ni Sunshine, heto naman ang pinost ng aktres sa kanyang Facebook account:

“Since you’ve always been defensive, vocal and a proud BFF of my EX, I’ve said it before and I’ll say it again. Given that you Ms. Dolly Ann Carvajal have gone through an annulment as well, you will NEVER be able to compare your experiences from mine.

“I don’t know if you would recall when I sent you a text message few years ago stating that I don’t expect sympathy coming from you. I just simply reminded you that you are a mother and a woman as well.”

Sagutin kaya ni Dolly Ann ang nasabi na ito ni Sunshine?