Una sa Balita

Sunshine sa Ika-6 Na Utos waging best actress sa Gawad Amerika

By
0 13

Hindi na talaga­ matatawaran ang husay ng mga aktor na kabilang sa Ika-6 Na Utos.

Kamakailan lang kasi ay lumipad na patu­ngong Los Angeles, California ang bida nito na si Sunshine Dizon upang tanggapin ang kanyang Best Actress Award na ipapara­ngal sa kanya ng Gawad Amerika.

Thank you very much Gawad Amerika most specially to the Filipino Community for this recognition. I would also like to share this recognition to all our hardworking cast members, production staff and crew of #ika6nautos it is ultimately a group effort to give you our audience the best. I would also like thank our leader and director Laurice Guillen for her guidance. Thank you also to my Manager @perrylansigan and @pplentertainmentinc for taking care of me. To my home network @gmanetwork for giving me the opportunity to be part of memorable shows that honed me through the years to be where i am today as an artist. Sa lahat din po na taga supporta ng “Ika Anim Na Utos” maraming salamat sa inyong pag tangkilik at pag subabay saamin. To my Papa Gani thank you for being with me tonight. To my two Angels Doreen Isabel and Antonio, you will always be my inspiration to do good and strive harder. To God be the glory. 🙏🏻

A post shared by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on

Ang nasabing award-winning body ay kumilala sa galing ni Sunshine sa pagganap bilang si Emma sa highest-rating daytime drama ng Kapuso Network.

Kaya naman ang Kapuso actress, hindi maitago ang saya sa naturang award. Aniya, “Masayang-masaya po talaga tayo na nare-recognize ‘yung hard work natin and all our efforts. Nakakatuwa rin and nakakataba ng puso na ‘yung mga kababayan naman natin abroad ang nagbibigay ng recognition na ganito sa atin,” pahayag ni Sunshine. 

Dingdong masaya sa pagtatapos ng Alyas Robin Hood 

Hindi dapat palampasin ng viewers ang nalalapit na pagtatapos ng Alyas Robin Hood dahil parami pa nang parami ang mga rebelasyon na aming nalaman tungkol dito.

Ito ay galing mismo sa Kapuso Primetime King at lead star nito na si Dingdong Dantes nang minsan namin siyang makausap. Aniya, isa siya sa mga excited sa mga magaganap na revelations dito dahil isa ito sa mga bagay na hindi niya malilimutan bilang isang artista.

Dagdag pa niya na dito sa seryeng ito siya pinakana-challenge nang husto. Wala raw siyang eksenang hindi pinaghirapan.

Paolo Contis pak na pak ang paggiling

Siguradong nawala na ang kakaibang kaba at pressure na naramdaman ng Bubble Gang mainstay na si Paolo Contis. Matapos kasing ipalabas ang musical play nila para sa 22nd anniversary ng Kapuso gag show, marami sa mga viewers ang bumati sa kanya ng papuri dahil sa pasabog performance niya dito.

Sumakit daw talaga ang tiyan nila sa kakatawa dahil sa pagiging natural joker ni Paolo. Pak na pak ang pagsayaw at pagkanta ni Paolo bilang Uno Suave na talaga namang tinilian.

Ang Kapuso actor naman, hindi pa rin makapaniwala na naitawid ang ganun kalaking pagtatanghal.

Oh, well, Pao, maniwala ka na dahil naka­yanan niyo. Congratulations at Happy 22nd anniversary sa inyo, mga ka-babol!  May part 2 ito next Friday.