Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sunshine ‘pinaiyak’ nina Iza, Karylle

0 65

Napasigaw at napaluha si Sunshine Dizon sa unang guesting niya sa Kapamilya talk show na “Magandang Buhay” dahil sinorpresa siya ng matatalik na kaibigan niyang sina Karylle at Iza Calzado.

“Na-shock talaga ako. Hindi ko ine-expect kasi magka-text kami nung isang araw. Nakakaloka naman. I am so touched,” sagot ni Sunshine nang tanungin siya kung bakit siya na-teary eyed sa reunion nila ng kapwa niya mga Sang’gre.

“Maang-maangan school of acting ako doon,” sabi naman ni Iza.

Si Karylle naman daw, nagkunwaring wala siya sa ABS-CBN compound para sa taping ng “It’s Showtime.”

Emosyonal ang kwentuhan at magkahawak pa ang kamay ng tatlo sa show dahil napa-tribute ang tatlo sa isa’t isa at kung gaano na kalalim ang kanilang pagkakaibigan.

“She loves her kids so much. Encouraging as a woman. Gusto natin tinataas natin ang isa’t isa. Ipu-push ka niya. Just seeing her become a director recently, in your 30s pwede pa pala to take that big step. It’s so natural to her. She’s inspiring as a friend,” paglalarawan ni Karylle kay Sunshine.

Sabi naman ni Iza, talagang maalaga at mapagbigay daw si Sunshine pagdating sa pagmamahal ngunit kailangan daw nitong maglaan din para sa kanyang sarili.

“Recently nung ginawa namin ang ‘B&B,’ last day, natulog kami doon. We can sleep in one bed, which says a lot. Hindi lahat pwede mong makatabi sa pagtulog. Alam niya na I have trouble sleeping. Noong naalimpungatan ako, nakita niya ko, inano niya ang kumot, parang ginanun-ganun niya ako na parang anak niya,” kuwento ni Iza.

“Ganyan syang klaseng tao, ganyan siya magmahal. Pero kailangan din ibigay muna sa sarili. Pero natututunan siguro natin through time. We really need to prioritize ourselves din. Ganyan si Sunshine. She is a ray of sunshine in our lives,” dagdag pa ni Iza.

Blessed daw si Sunshine na magkaroon ng mga kaibigan kagaya nina Iza, Karylle, at Diana Zubiri.

“It’s so nice to be part of a group na you respect each other’s individuality. Kasi we’re all very opinionated. Sa totoo lang, wala akong kaibigan na medyo slow. Proud ako doon,” kwento ni Sunshine.

Dahil Kapamilya na nga silang tatlo, wish ng fans ay magsama-sama ulit sila sa isang reunion project para sa ABS-CBN. Si Sunshine naman ay nakapagsimula nang mag-taping para sa teleseryeng “Marry Me, Marry You” kasama sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.