Una sa Balita

Sunshine nagliyab ang kaseksihan sa Bali

0 763

abante-paistaran-dondon-serminoPengeng tip! ‘Yan ang chika ng mga fan kay Sunshine Dizon.

Tip sa kung paano maging sexy ulit, matapos maging mataba ng ilang taon.

Well, pasabog naman kasi ang mga post ni Sunshine sa kanyang Instagram sa pagpasok pa lang ng 2019. Sa Bali, Indonesia nga siya nag-Bagong Taon, kasama ang mga anak niya.

In love ba si Sunshine ngayon? At bakit ang seksi-seksi niya? Sino ang pinagpapaseksihan niya?

“The waves of the sea help me get back to me,” simpleng caption lang ni Shine sa sexy photo niya.

Well, knowing Sunshine, kapag may gusto ito, pinagha­handaan, pinagtatrabahuhan niya talaga. At malamang, paghahanda rin niya ito sa bago niyang teleserye sa GMA.

Anyway, naniniwala ang mga fan ni Sunshine na taglay pa rin talaga niya ang nag-aalab na alindog, ha!

ejsantosnieveras17 “Nasa kanya pa rin ang tunay na brilyante ng apoy kaya naman siya ay nag-aalab pa rin sa kasexy’han.”

theweirdasianbelle “Walang kakupas kupas! Still gorgeous!”
chexx222 “Ang sexy nman.”

ryanmonton29 “Sanggre Pirena bumubuo ng daluyong si Sanggre Alena @m_sunshinedizon @anakarylle.”

lyn_varona “Sige idol, ibalik mo dating katawan mo. Napakaganda mo poh. You’re strong. God bless!”

Jennifer Lee makikipagkabugan sa mga sikat na DJ sa buong mundo

Isa pang hindi nagbabago ang kaseksihan ay si Jennifer Lee, na hindi man natin madalas nakikita nga­yon sa telebisyon, pero ang pagdi-DJ nga kasi ang mas pinagtutuunan niya ng atensiyon ngayon.

Sa Cebu naman sinalubong ni Jennifer ang Bagong Taon, at yes, napasabak nga raw siya sa pag­lafang doon.

Pero sey nga ng mga fan niya, kahit naman kumain siya nang kumain, hindi pa rin mawawala ang kaseksihan niya.

Siyanga pala, bukod sa pagpapaseksi, may isang bonggang event nga na pinaghahandaan ngayon si Jennifer.

“The first biggest music festival of the year @syzygymusicfest is happening this Feb 9, 2019 with #djproducer @dimitrivega­sandlikemike @dimit­rivegas @reallikemike together with @callumdavid1 @djronpoe @djjasondewey @everydaypeoplemusic @marcmarasigan @margaonthemic @iamvictorpring Save the date guys. See ya! @udoublog,” post niya.
Winner, ‘di ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy