Una sa Balita

Sunshine, mga anak idinadawit sa iskandalo ni Cesar

‘Wag niyo idamay ang mga anak ko!’

By
0 3,393

May hugot sa kanyang Facebook account si Sunshine Cruz, estranged wife ni ex-Tourism Promotions Board head tungkol sa ilang bashers.

“People are now questioning the food we eat and clothes my children wear because of a person who we/they don’t get to see anymore.

“I told my kids not to be embarrassed kasi pagkain, damit ultimo sasakyan nyo ako ang bumili para sa inyo. Nagtatrabaho ako ng maayos at nagpupursige para sa mga anak ko.

“Kung may kasalanan sa inyo ang ibang tao, don’t involve other people especially my children.

“Mula 2013 nagawa kong magtrabaho at buhayin ang mga anak ko sa maayos na paraan at pagtatrabaho ng maayos bilang artista.”

Obvious naman kung sino at ano ang tinutukoy ni Sunshine sa post niyang ito, huh!

——-

Elvis mana sa ganda ng PR nina Annabelle, Eddie

Nag-artista man si Elvis Gutierrez, masasabi kong medyo shy siya kumpara sa mga kapatid na sina Ruffa, Richard at Raymond, pero dahil sa new business na kasosyo siya, ang Hofa.ph (Philippines only, one stop shop for all your authenticated sports memorabilia needs), ilang sports shows sa TV ang pinag-guest-an niya para i-promote ‘yon.

Nagulat din ako nang mag-text siya sa akin kahapon para magpasalamat sa isinulat ko rito sa Abante about Hopa.ph launch, huh!

Aba, manang-mana siya sa ganda ng PR ng parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Anyway, naikuwento sa akin ni Elvis na dahil basketball fan ang kapatid niyang si Richard, during the launch ay um-order ng Kobe Bryant autographed ball, kaya naman tuwang-tuwa si Elvis dahil pampasuwerte raw ‘yon sa kanilang business.

“Actually that night, maraming bumili ng sports memorabilia, kaya good start talaga,” sey ni Elvis.

Siyempre, si Bisaya, very proud sa bagong business na ito ni Elvis at ng ilang partners niya!

——-

Yasmien suportado ng mga fan vs. Gina

No wonder at top rater afternoon series ng GMA 7 ang ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ nina Yasmien Kurdi at Mike Tan dahil huling-huli ng show ang kiliti ng kanilang viewers.

Sa latest episode nga nila ay problematic naman ang character ni Mike dahil gusto na niyang makipagbalikan sa misis na si Yasmien, ang conflict nga lang this time ay nalaman niyang may sakit ang nanay niya na ginagampanan naman ng kontrabidang si Gina Alajar.

So, hindi malaman ni Mike kung makikipagbalikan kay Yasmien o dadamayan ang kanyang nanay.

Ang mga viewer naman, siyempre, imbiyerna sa character ni Gina kaya gusto nila na makipagbalikan si Mike kay Yasmien, kaya naman mas lalo silang nananabik sa bawat episode ng ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’.