Una sa Balita

Sunshine malabo pang pakasal kay Macky

0 295

Masaya na talaga ang puso ng sexy mom, actress na si Sunshine Cruz. Sa pagbisita nito sa “Tonight With Boy Abunda”, nilinaw niya ang kahulugan ng singsing na iniregalo sa kanya ng kanyang nobyo na si Macky Mathay.

“Tatlo siya. This is a promise ring na binigay niya sa akin,” paliwanag ni Sunshine kay Tito Boy.

Ayon kay Sunshine, napag-uusapan na rin nila minsan ang kasal.

“Kasi noong February lang naging malinis ang annulment ko and I’m enjoying my time with my children with work, and okay naman kami sa setup namin. We see each other every other weekend,” batid pa ng aktres.

Hangga’t maaari, hindi pa, aniya, gustong i-touch ni Sunshine ang usaping iyon.

“But I know in God’s time naman, kung talagang kami, kami talaga,” dagdag pa niya. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy