Una sa Balita

Sunshine magbibigay ng trabaho sa mga fan

By
0 364

Pinasok na rin ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon ang pagne-negosyo. At nakakaaliw itong kausap dahil alam na alam niya ang negosyong pinasok. Inamin ni Sunshine na sobrang OC daw niya sa kuko.

In fact, hindi siya basta-bata nagpapagawa kung kanino lang, dinadayo pa raw niya yung manicurista niya. Gusto raw talaga niya, pulido ang pagkakagawa sa nails niya.

Matagal na raw niyang gustong mag-business kasama ang dalawang business partners niya at the same time, mga best friends niya na sina Myla Arguelles at Margie Ramos.

Not until they found the perfect location which is, sa 2nd floor ng Clean Fuel sa Pioneer St corner Sheridan Street. In fairness, ang ganda nga ng location na nakuha nila kunsaan, nakapaligid dito ang mga condo buildings at offices.

Sa part ni Sunshine, nahanap na rin daw niya ang tamang business dahil nga sa pagka-OC niya sa nails at passionate. Instead na mag-franchise ng mga existing nail salon, bumuo sila ng orihinal,­ ang Mysa Nail Salon at proud din si Sunshine dahil tie-up sila sa isang popular na nail polish brand abroad.

Open din daw sila kung sakali at may gustong­ mag-franchise. Bukod sa pagkakaroon ng negosyo,­ mas natuwa si Sunshine dahil para na rin daw advocacy ang ginagawa nila dahil may mga nabibigyan sila ng trabaho.

In fact, tumawag pa raw siya kay Congressman Alfred Vargas para itanong dito kung merong mga alam na nangangailangan ng trabaho na nag-aral din sa TESDA.

Ang kasamahan ni Sunshine sa PPL Entertainment, Inc. na si Max Collins ang nag-cut ng ribbon noong opening at blessing. Gayundin ang kaibigan na si Diana Zubiri.

Mukhang bukod sa pagiging aktres, negosyo talaga ang pinagkaka-abalahan ni Sunshine ngayon lalo na at tuloy-tuloy na rin ang kanilang Sanggre’s Production ng mga original Sanggre’s kasama sina Diana, Karylle, Iza Calzado at director nila na si Mark Reyes.

Gabby pinuri ang lolo ni Garie

Ni-like nga ni Gabby Concepcion ang mahabang post ng anak na si Garie Concepcion sa pagkamatay ng Lolo nito, ama ng kanyang ina na si Grace Ibuna kunsaan, punong-puno ng pag-alala at pasasalamat sa kanyang Lolo at kung paano mula pagkabata niya, ang kanyang Lolo na ang tila tumayong ama niya.

Ito rin daw ang naghahatid at sundo sa kanya sa school. As we all know, lumaki si Garie na malayo sa ama at hindi nito nakasama si Gabby talaga growing-up.

Bilang patunay na ina-acknowledge ni Gabby ang nagawa ng Lolo ni Garie sa buhay ng anak, and of course in his absence physically, bukod sa pag-like, nag-post din ng kanyang message si Gabby sa IG post na yun ng anak.

Ayon kay Gabby, “He was a good man to me. We had a high level of respect between us. His good heart will always be our foundation. Rest in peace Dad. We will miss you. Condolence to the Ibuna family.”