Una sa Balita

Sunshine, Karylle, Diana, Iza eeksena sa 20 bansa

By
0 557

Sobrang star-studded ang naganap na exclusive screening sa Shangri-La Mall ng kauna-unahang original Pinoy movie produced for iflix na “Mystified.”

Bukod sa apat na original Sang’gres na sina Karylle, Diana Zubiri, Iza Calzado at Sunshine Dizon, dinagsa rin ang exclusive screening ng maraming celebrities na malapit sa apat na bida, gayundin sa gumanap na kontrabida sa “Mystified” na si Sunshine Cruz.

Hindi na namin nailista lahat ng artistang duma-ting, pero ilan sa nakita namin ay sina Gabby Eigenmann, Angelika dela Cruz, Max Collins, Kyline Alcantara, Andrea Torres, Paul Salas, mag-iinang Lorna Tolentino kasama sina Rap at Renz Fernandez, gayundin ang apo ni LT na si Tori.

Si Ciara Sotto at ang boyfriend na si Ian Austin, Bianca King, Alice Dixson, Yasmien Kurdi kasama ang Mister na si Rey Soldevilla at marami pang-iba.

Full effort sina Sunshine, Iza, Karylle at Diana sa Mystified na first venture rin nila bilang mga line producer sa Sang’gres Productions, along with Direk Mark Reyes na hindi nakarating sa exclusive screening, pero may paandar na big teddy bear para sa apat niyang Sang’gres.

Nakaka-proud din na may original content na mula sa Pilipinas at mapapanood na sa mahigit 20 bansa. Tama ang sabi ni Sunshine na ang pagka-kagawa nila sa “Mystified” will cater to all ages.

Ciara, Austin ligal ang relasyon

Ligal na pala ang relasyon ni Ciara Sotto sa boyfriend na si Ian Austin. Last month daw ay natanggap na niya ang kumpirmasyon na na-grant na ang annulment nila ng dating asawa na si Joe Oconer. Si Joe ang isa sa mga executives ng APT Entertainment.

Masaya raw si Ciara na after ilang years, na-grant na rin ang nai-file niyang annulment. Maayos naman daw sila ng ex-husband lalo pa nga at may anak sila, si Crixus.

Tinanong namin si Ciara kung aware na ang anak tungkol sa relasyon nila na mga magulang nito, hindi raw dahil hindi naman daw ito nagkaroon ng memories na one happy family sila. Wala pang one-year-old ang anak nang maghiwalay sila.

Close rin daw ang boyfriend sa anak niya at kung dati ay sa Las Vegas naka-base ang boyfriend, ngayon ay dito na raw ito sa Pilipinas.

Taga-Pampanga ang Filipino side ng family ni Ian at into Information Techno­logy naman ang work niya. Dati nang magkakilala sina Ciara at Ian nang mag-try si Ciara sa Broadway, but at that time, pareho raw silang may ibang karelasyon.

Kahit annulled na, wala pa raw sa plano nila nga-yon na pasukin na rin agad ang kasal, though, both of them ay okay sa kanya-kanyang pamilya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy