Una sa Balita

Sunshine gustong pasabugin ang van ni Cesar

By
0 5,391

NOONG Friday ay may mahabang post si Sunshine Cruz sa kanyang Facebook account na obviously ay ang estranged husband niyang si Cesar Montano ang kanyang pinatutungkulan.

Post ni Sunshine, “Ang sa akin lang naman. Kapag ikaw ay magulang at alam mong pwedeng mapahamak ang mga anak mo sa sasakyang ikaw ang napag-atasang mag-provide sa kanila, hindi mo ba kaagad gagawan ng paraan? Kung ako kasi yan, agad kong gagawan ng paraan especially if you have more than 3, 4 or 5 cars in your garage.

“Iisipin ko ang kaligtasan ng mga bata at hindi yung galit mo sa nanay nila na hiniwalayan ka more than anything dahil ganyan ang tunay na pagmamahal ng isang magulang sa anak. Hindi mo idadamay ang mga anak mo sa sitwasyon nyo ng nanay nila. As a parent to my girls, nagagawan ko naman ng paraan ang bagay2x dahil ayokong masaktan o ma aksidente ang mga bata but I am not that rich kaya repair repair lang ang nagagawa ko.

“Sana lahat ng magulang ganyan ang puso pagdating sa mga anak. #justathought.

“P.S.
rdered a new van which will arrive anytime next month. I’ve saved enough thanks to Wildflower and endorsements.

“Ano kaya sa palagay nyo ang pwede ko gawin sa van na pinahiram sa mga bata na nawalan ng preno at for years po ay every week ang sira at pagpapatawag ng mekaniko?

A: pasabugin 
B: ilagay sa junk shop
C: return to sender D: mag-ala-Julio Ardiente at pasabugin ang sasakyan sa harap ng bahay ng sender lol”

“Suggestions po friends and family? Kidding aside, I am returning that van anytime soon. Not allowing my children to beg anymore for something they deserve. Enough is enough.”
Noong Saturday, sinubukan kong tawagan si Sunshine, pero nasa movie house raw siya, kaya i-text na lang daw namin siya.

Tinanong ko ang hanggang ngayon ay sobrang sexy pa rin aktres (40 years old na siya) kung may away na naman ba sila ni Cesar at heto ang reply niya sa ipinadala kong text message:

“Walang away Jun. It’s the obligation that he should have done for the kids. My children shouldn’t beg for something they deserve! Utos ng korte na hindi nya na naman ginampanan. Kapag ayaw talagang ayaw.

“Anyways, we’ve decided to return the van he lent the kids anytime soon. Last year pa nissan already said it’s not safe to use pero pinagpipilitan nya parin. Kawawa kids baka ma aksidente. Nawalan na nga ng preno eh.

“No plans of accepting a replacement from him. It’s clear naman na mawalan man ng preno ang van na pinahiram nya, dedma sya sa safety ng kids. Keri na Jun. Hindi natin hawak utak at puso ng tao. Nasa pagkatao na talaga yan.”

Ano kaya ang reaction ni Cesar tungkol dito? Nag-try kasi akong kunan ng panig ang aktor sa pamamagitan ng isang malapit sa kanya at ang sabi ay hindi na raw nagre-react si Cesar tungkol sa mga ganoong post ni Cesar.

“Binigay na sa kanya (Sunshine) ‘yung van, kaya dapat siya na ang nagmi-maintain no’n para maging maganda ang takbo,” reaction lang ng kausap ko.

Burger ni Martin katakam-takam

Today is Martin Nievera’s 56th birthday, pero working day pa rin ito sa Concert King dahil may rehearsal sila ng mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid at Erik Santos para sa #paMORE February 10 MOA Arena concert nila.
Pero may pa-burger si Martin sa lahat ng mga makakasama niya ngayon sa kanilang rehearsal.

Mahilig kasing magpakain ng grilled burger si Martin na siya mismo ang nagluluto, kaya excited ang mga makakasama niya mamaya sa rehearsal.

Actually, hindi lang sina Ogie, Regine, Erik at ang mga taong involved sa #paMORE concert ang ipagluluto ni Martin ng burger mamaya dahil maraming mga bibisita sa rehearsal nila.

Ang mga nakatikim na sa burger ni Martin ay talaga namang sarap na sarap doon, kaya inaabangan talaga ang pagluluto niya no’n.

Pati nga ang entertainment press ay nakatikim na rin ng burger ni Martin nang magpa-presscon siya minsan para sa isang concert.

Noong nag-production meeting din sila sa bahay nina Ogie at Regine at nagpa-burger din si Martin.