Una sa Balita

Sunshine ‘di nagpakabog sa kaseksihan ng mga anak

0 585

Lumindol din sa social media ng mga sexy photo ng mga artistang may hangover pa ng Holy Week. Nag-post si Sunshine Cruz sa Instagram niya ng larawan nilang mag-iina na naka-bathing suit, na kuha sa isang exclusive beach resort sa Batangas.

Well, dalaga na nga ang tatlong anak ni Sunshine, at lahat sila ay magaganda at seksi. Pero hindi nagpakabog si Sunshine sa suot niyang swimsuit.

Naka-post naman sa IG ni Ina Raymundo ang black & white pictorial ng panganay niyang anak na si Erika Rae. Ito ang unang pagkakataong nag-post si Ina ng sexy picture ng anak, sa isang professional photo shoot.

Sa ganda at sexy ni Erika Rae, nilindol ng mga papuri ang comment section ng IG ni Ina.

MJ Lastimosa nagmukhang

Ginamit naman ng baklitang si Awra ang lindol sa kanyang one-piece printed bikini post. Makikita ang ilang larawan ng mga sexy poses ni Awra na animo ay isang bikini model ang hitad.

Sa halip na altitude o magnitude ang ginamit ni Awra na title sa caption, ang sinulat niya ay ‘6.4” Attitude.

Todo landi naman sa harap ng kamera si MJ Lastimosa sa video IG post niya na kuha sa Boracay. Meron sa pintuan, sa upuan, sa swimming pool at sa bangka.

Nagmukhang baklang umaawra ang dating ng poses ng beauty queen, na kinaaliwan naman ng kanyang mga follo­wer. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy