Una sa Balita

Sunshine, Angelika nag-away, nag-agawan sa lalake?

By
0 921

Maganda ang magiging pagsalubong ni Angelika dela Cruz sa taong 2019 dahil sa bago niyang afternoon series sa GMA-7, ang “Inagaw Na Bituin.” Kontrabida pa rin ang role niya pero this time, iba raw ang atake bukod sa kakanta siya.

Kung sa Ika-6 Na Utos ay nakakatawa ang pagiging kontrabida niya, ngayon ay medyo bad talaga siya.

Magkaka-batch sila ng mga kasama niya ngayon sa cast tulad nina Sunshine Cruz, Marvin Agustin at Angelu de Leon. Sabi namin sa kanya, parang talbugan talaga sila ng acting ngayon.

“Hindi nga dapat talbugan,­ kailangan compliment each other. Kung naglalamunan­ kayo ng acting, hindi rin magandang panoorin sa screen.”

Aminado si Angelika na noong mga bagets sila, tala­gang may mga moment na pareho silang nagloloka-lokahan ni Sunshine.

“Natapos na ang kuwentuhan na ‘yan noong una kaming nagkasama. Napagtawanan na namin ng bongga na dati, pareho tayong sira-ulo, ‘no?”

Pero never naman daw nilang pinag-awayan o pinag-agawan ang lalaki.

Sey niya, “Hindi, hindi talaga wala kaming ganun.”

Ngayon daw, pareho na silang matured version ng isa’t isa. At happy siya na until now, nabibigyan pa rin sila ng magagandang role.

 

Batang aktres tinalakan ni beteranang aktres

Aba e, halos wala na palang kumakausap sa female young star na ito sa kasalukuyang teleserye na ginagawa. Hindi na raw ma-take ng mga kasamahan niyang artista at lalo na ng mga taga-production ang pagka-attitude ni female young star.

Aba, ultimo ang veteran actress na kasamahan nila sa serye ay hindi na raw nakatiis na pinagsabihan na ang female young star, ito ay pagkatapos na talagang natalakan na halos ng director nila ang female young star.

Ilang beses na raw kasi sinabi ng director ang dapat gawin ni FYS pero parang wala yata itong naririnig at ilang take na, ‘di sumusunod sa instruction sa kanya. En­ding, nakatikim si FYS sa kaeksenang actress ng talak.

Ang siste, hindi lang naman ang working attitude ni FYS ang problema sa kanya, as in attitude raw talaga. Idagdag pa ang nanay raw ni FYS.

Sayang si FYS, promi­sing naman ito pero ang mahirap kapag na bad record na sa mga katrabaho.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy