Una sa Balita

Sunog sa Pasig

By
0 537

Isa ang nasawi habang nasa 20 pamilya ang naapektuhan makaraang masunog ang may walong kabaha­yan noong Biyernes ng gabi sa Pasig City.

Nakilala ang nasawi na si John Boy Reyes Lao, 21-anyos na naiwang mag-isa sa bahay nang sumiklab ang apoy na posibleng faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Ayon kay Fire Inspector Anthony Arroyo, naganap ang sunog bandang alas-4:30 ng hapon sa 41 Banaag St., sakop ng Barangay Pineda, Pasig City na umabot sa ikalawang alarma.

Idineklarang fire out ang apoy bandang alas-6:25 ng gabi.