Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sunog sumiklab sa munisipyo

0 33

Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang Sto. Domingo, Ilocos Sur Bureau of Fire and Protection matapos maabo ang ilang bahagi ng municipal hall ng nasabing bayan, Lunes ng gabi.

Ayon sa Sto. Domingo Police Station (STPS), naganap ang sunog alas-8:32 ng gabi kung saan nakita ng ilang residente ang makapal na usok galing sa rooftop ng nasabing munisipyo.

Agad na inalerto ng STPS ang Sto. Domingo Fire Department (SDFD) na agad rumesponde. Sa tulong na din ng mga bumbero sa kalapit bayan ay naapula ang sunog bago mag-alas-10:00 ng gabi.

Inaalam pa ng SDFD kung ano ang sanhi ng sunog. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.