Sunog sa QC umakyat sa 4th alarm

SDC
Kasalukuyan pang inaapula ang sunog sa isang residential area sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.
Naiulat ang sunog bandang alas-8:06 ng umaga, Nobyembre 27, batay sa volunteer emergency dispatch server TXTFire Philippines.
Tinaas ito sa ikatlong alarma makalipas ang apat na minuto, at inangat sa ikaapat na alarma, 8:48 ng umaga.
Inaalam pa rin kung may namatay o nasugatan sa sunog at kung ano ang pinagmulan ng apoy.