Una sa Balita

Sunog sa Moscow: 8 Vietnamese patay

0 258

Patay ang walong migrante sa sunog sa isang greenhouse sa Moscow, Russia.
Nangyari ang sunog sa Moscow region district na Ramens­koye noong Enero 7, ayon sa The Moscow Times.

Walong oras daw bago naapula ang apoy sa isang greenhouse facility kung saan naninirahan ang mga migrant worker.

Hindi pa malinaw kung ilan ang nani­nirahan sa nasabing greenhouse pero walong Vietnamese national ang nasawi na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng mga awtoridad, faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog. (Issa ­Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More