Una sa Balita

Sunog sa isang mall sa Bataan inabot nang 3 araw

By
0 804

KONTROLADO na ang sunog sa Robinsons Galleria Victoria sa Ba­langa, Bataan na tumagal nang tatlong araw.

Nagsimula ang sunog noong Martes ng alas-nuwebe ng umaga. Nakontrol ang sunog makalipas ang 2 oras pero muling nagla­gablab bandang tanghali.

Agad na naglatag ng epektibong sistema sa pagpuksa ng apoy ang lokal na pamahalaan.

Nahirapan umano ang mga bumbero na patayin ang apoy dahil sa sobrang kapal ng usok at matinding init sa loob ng gusali.

Apektado ng sunog ang pangalawa at pangatlong palapag ng 6-storey na Robinsons Victoria.

Sa inisyal ng im­bestigasyon, sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag pasado alas-nuwebe ng umaga noong Martes.

May narinig umanong pagsabog sa lugar, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Walang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente maliban sa isang bumbero na nasugatan sa kamay.