Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sunog sa COVID bakuna manufacturer, 5 patay

0 165

Lima ang naiulat na nasawi sa naganap na sunog sa gusali ng Serum Institute of India, ang pinakamalaking kompanya na gumagawa ng mga bakuna sa buong mundo.

Tiniyak ng pamunuan nito na hindi nadamay sa sunog nitong Huwebes ng hapon ang kanilang mga ginagawang COVID-19 vaccine.

Ang gusali kung saan nagsimula ang sunog ay parte ng under-construction site ng Serum facility at isang kilometro ang layo mula sa Covishield manufacturing unit.

Naitala ang sunog ng alas-2:45 ng hapon sa ikaapat at ikalimang palapag ng SEZ 3 Building.

Sa ngayon ay kontrolado na ang sunog habang iniimbestigahan pa ang sanhi nito.

Matatandaang lumagda ng deal ang Pilipinas sa Serum Institute of India para sa 30M dose ng Covovax vaccine nito. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.