Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sunog sa Cebu: 1 patay, 700 pamilya apektado

0 86

Isa ang naiulat na nasawi habang mahigit 700 pamilya mula sa limang sityo ang nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang isang mala-impyerno umanong sunog sa Barangay Punta Princesa sa Cebu City noong Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si si Ebert Feniza. Wala pang ibang detalye ang ibinigay tungkol sa biktima.

Ayon kay Chief Inspector Ethel Margaha, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Jocelyn Daniel bandang alas-5:53 ng hapon.

Bago ang insidente, narinig umano ng ilang residente na may nag-aaway sa kalapit nilang bahay dahil hinuli umano sa ilegal na droga ang isang miyembro ng pamilya rito. Hinala ng mga biktima, dahil sa galit kaya sinilaban ng isa rito ang kanilang bahay na agad namang kumalat sa mahigit 500 pang kabahayan.

Umabot ang apoy sa mga sityo ng Tuburan, Arca, Trinidad, Enriquez, at Merco na pawang nasa Brgy. Punta Prin­cesa.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima sa Atillo Gym at Lourdes Parish Gym.Tinatayang mahigit P10 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.