Una sa Balita

Sunog sa Baguio dahil sa faulty electrical wiring

By
0 154

FAULTY electrical wiring ang isa sa tinitingnang dahilan ng Baguio City Fire Department (BCFD) matapos matupok ng apoy ang Pine Arcade Building (PAB) sa Lower Session Road noong Lunes nang gabi sa nasabing lungsod.

Ayon sa BCFD, naganap ang sunog bandang alas- 7:16 nang gabi sa basement kung saan nakatayo ang mga establisimyento kasama dito ang lumang gusa­ling ‘Pines theater’ na desenyo ng Art Devo.

Sa report, nagtulong-tulong ang BCFD, Bureau of Fire Protection-La Trinidad, puwersa ng Baguio City Police Office (BCPO) at Chinese Fire Volunteer (CFV) upang maapula ang nasabing pagliyab na umabot sa 3rd alarm na mabilis na kumalat sa mga katabing gusali dahil na rin sa mga mga iba dito ay may kalumaan na.