Sunog sa Antipolo; 2 tustado

By

Patay ang dalawa katao sa sunog na tumupok sa isang junk shop sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Batay sa imbestigasyon, alas-otso ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Medes Junkshop sa Simeon Drive, Barangay San Roque.

Ayon sa mga nakasaksi, nakita na lamang nila ang makapal na usok na nanggagaling sa junk shop.

Maagap namang sumaklolo ang mga tauhan ng Antipolo Bureau of Fire Protection (BFP) at naapula ang apoy makaraan ang kalahating oras.

Patuloy pa ring ina­alam ang pagkakakilanlan sa dalawang biktima.

SHARE