Una sa Balita

Sunod na sasabakan World, Governors’ Cup FAJARDO DYINGGEL LANG ANG PAHINGA

0 314

NATAPOS na ang giyera sa Philippine Basketball Association Commissioners’ Cup, gusto sanang bumawi ni June Mar Fajardo para ipahinga ang katawan mula sa tatlong buwang bakbakan na natapos sa anim na laro sa Finals.

Naiwan sa 2-5 ang San Miguel Beer papasok ng stretch ng 11-game eliminations, kinailangan nilang kumayod nang todo para humabol sa playoffs.

Tinapik ang dating Brooklyn Net na si Chris McCullough, tinuhog ng Beermen ang sumunod na tatlong panalo bago itinumba ng Meralco sa final elims game. Sinuwerteng humabol sa top eight ang SMB.

No. 7 sila pagkatapos ng 11-game elims, kinailangan ng dalawang­ panalo para laktawan ang No. 2 NorthPort sa quarters. Sa semis ay pinahirapan naman sila ng Rain or Shine bago nanaig sa apat na laro ng best-of-five.

Sa unang yugto ng playoffs ay bugbog na raw ang Beermen.

“Sobrang hirap talaga, pagdating namin sa quarters kalaban agad namin No.

2, NorthPort,” anang The Kraken. “Twice-to-beat sila. Sob­rang hirap ‘nung game na ‘yun.”

Katakut-takot na mga adjustment din ang ginawala nila kontra Elasto Painters.

Pagdating ng champion­ship round, sagad-sagaran din ang paghabol kay Terrence Jones at sa TNT KaTropa. Nasikwat nila ang korona ng midseason conference sa anim na laro.

“Sobrang ganda ng series (Finals),” dagdag ni Fajardo. “Credit din sa kanila.”

Sayang lang aniya at ‘di nakapunta ng Maynila ang kanyang mga magulang na nasa Cebu. Ibang klaseng pakiramdam kay Fajardo kapag nayayakap ang mga magulang sa mga ganitong pagkakataon.

“Mas maganda kung nandito parents ko, maha-hug ko sila,” aniya.

Tapos na ang giyera sa PBA, pero ‘di ang term of duty ng 6-foot-10 center.

‘Di pa halos nahahabol ni Fajardo ang hininga, sabak na naman siya sa matinding ensayo – kasabay sina RR Pogoy at Troy Rosario ng TNT – sa Gilas Pilipinas na kakampanya sa 18 FIBA World Cup 2019 sa China sa Aug. 31-Sept.

15.
“Goal ko muna makapag-contribute sa Gilas, siguro pahingang konti before third conference,” ani Fajardo.

Sa Sept. 20 sisiklab ang season-ending Governors Cup.

(Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy