Una sa Balita

Sundo ng biyuda isang linggo nagpakita bago namatay

0 262

Mga ka-Misteryo hindi lahat ng sundo oras ng kamatayan ay nakakatakot ang hitsura tulad na lamang ng kuwentong karanasan ni Delia ng Marikina.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Isinalaysay ni Delia sa #TeamMisteryo ang kanyang karanasan nang lumapit sa kanya ang kaibigan na si Susan isang linggo bago sumakabilang buhay.

Team Misteryo: “Ano ang naikuwento sayo ni Susan?”

Delia: “Masayang-masaya siya ng lumapit sa akin sabay sabi na nakakita siya ng magagandang dalaga at la­ging nakangiti sa kanya.”

Team Misteryo: “Bakit daw naka­ngiti sa kanya? Mga tao ba ‘yun o hindi nakikita?”

Delia: “Hindi rin niya masabi kung bakit nakangiti sa kanya pero sinabi niyang mga bigla lang lumitaw ang na­turang mga babae”

Team Misteryo: “Palagi ba niyang nakikita ang mga ‘yun? Anong hitsura? Anong kulay ang kasuotan?”

Delia: “Oo mula nang sinabi niya ‘yun 1 week bago siya namatay ay nakikita niya. Magagandang dilag pero ang kasuotan ay sa panahon ng kastila.”

Team Misteryo: “May pakiramdam ka ba noon na mga sundo ni Susan ang kanyang mga nakita?”

Delia: “May ganun akong naisip pero hindi ko ‘yun sinabi sa kanya. Ayaw kong matakot siya kaya sinabi ko na lang na masuwerte siya at naki­ta niya ang mga ‘yun.”

Team Misteryo: “Paano mo nasa­bing mga sundo na ba ni Susan ang mga ‘yun? O baka naman nagkataon lang na namatay siya kasunod nu’n?”

Delia: “Oo kasi naalala ko lola ko nu’ng bago namatay nakita niya ang mga kaibigan at mga magulang niya na masayang-masaya at ang mga ‘yun ay pawang mga namatay na.”

Hindi na bago sa ating pandinig ang ganitong mga karanasan bagaman magkakaiba ng nakikita. Ang iba ay nakakakita ng mga soul reaper­ o Kamatayan na may karit habang ang iba naman ay may sundong mga anghel. Ang pagkakaiba ay marahil depende sa paniniwala at kaisipan ng tao na takdang oras nang mamatay.

***

Para sa inyong mga kuwentong karanasan mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More