Una sa Balita

Sundalong Filipino, sasanayin ng Australia sa urban warfare

By
0 36

Sasabak sa pagsasanay sa urban warfare ang mga sundalong Filipino sa tulong ng mga eksperto ng Australia.

Ayon kay Defense Minister Marise Payne, mahalaga na matuto ang mga sundalong Filipino sa urban warfare upang mapigil ang pagkalat ng Islamic extremism kahit nagapi na ang mga teroristang Maute sa ilang buwan na bakbakan sa Marawi City.

Aniya, magpapadala ang Australia ng mga team upang sanayin sa urban warfare counterterrorism ang mga sundalong Filipino.

“The practical training the Australian Defense Force will provide will ensure the Philippines defense force is better able to counter the brutal tactics being employed by terrorists,” ani Payne.

Nababahala umano ang Australia sa pagkalat ng Islamic State-inspired terrorism kung kaya’t ginagawa nila ang hakbang na ito upang hindi makaporma ang terorismo sa rehiyon.

Matatandaan na tumulong din ang Australia sa giyera sa Marawi nang magpadala sila ng dalawang AP-3C Orion aircraft para sa surveillance at sa pangangalap ng impormasyon at analysis.