Una sa Balita

Sundalo patay sa NPA attack

By
0 2

Isang sundalo ang nasawi sa naganap na pakikipagbakbakan sa mga miyembro ng New People’s Army sa Cagayan.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Aguinaldo ni Lt. Col. Rembert Baylosis, commander ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army, nagsasagawa ng security operations sa boundary ng Rizal at Santo Niño ang mga sundalo nang makasagupa ang mga armadong kala­lakihan sa Barangay ­Balani, Santo Niño.

Pansamantalang ­hindi pinangalanan ni Baylosis ang sundalong nasawi dahil ipaaalam pa ito sa pamilya.

Abante Hiring – IT dep

Umatras ang mga rebeldeng NPA matapos ang halos 30 minutong bakbakan.

Sinabi ni Baylosis na tinitiyak nilang may mga sugatan sa mga rebeldeng tumakas dahil kalat ang mga dugo sa encounter site.