Una sa Balita

Sundalo patay, 2 pa sugatan sa engkuwentro kontra NPA

0 736

NASAWI ang isang sundalo habang dalawa pa ang nasugatan matapos makaengkuwentro ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Villa Rey, Echague, Isabela noong Sabado.

Ayon kay Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th Infantry Division Phil. Army, nagkakaroon ng focus military operations ang mga kasapi ng 86th Infantry Battalion (IB) dahil sa presensiya ng mga rebeldeng gumagawa umano ng pangingikil sa mga mamamayan ng Barangay Villar Rey, at kalapit na Barangay San Carlos at Madadamian.

Sa pagtungo ng mga sundalo sa nabanggit na lugar ay nagkaroon ng engkuwentro na nagresulta ng pagkamatay ni Corporal Adonis Galera at pagkasugat naman nina Cpl. Harold Ganagan at Fajardo Manuel.

Ayon pa kay Tayaban, maaaring ginagawa ng mga rebelde ang pangingikil para may magamit sa kanilang nalalapit na founding anniversary. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More