Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sundalo nanutok ng baril sa sibilyan

0 45

Pinosasan ang isang miyembro ng Philippine Army (PA) matapos na ireklamo ng isang residente sa lugar dahil sa panunutok ng baril­ sa Imus City, Cavite, Linggo ng hapon.

Kinilala ang miyembro ng PA na si Ferdinand Paguirigan, 29, may-asawa ng Brgy. Carsadang Bago 1, Imus City dahil sa reklamo ni Ray Anthony Corpuz, 30, may-asawa ng Brgy. Malagasang 1F, Imus City.

Sa ulat ni P/MSg. Luis Divina ng Imus City Police Station, dakong alas-tres kamakalawa ng hapon nang sabihan ng biktima ang suspek na alisin ang nakaparada nitong sasakyan sa Legian 2C Subdivision, Brgy. Carsadang Bago 1 dahil ipinagbabawal ang double parking doon. Nagresulta ito sa hindi nila pagkakaunawaan at humantong sa maini­tang pagtatalo.

Upang hindi humaba ang kanilang pagtatalo, umalis si Corpuz at bumalik sa kanyang sasakyan subalit tinutukan siya ng baril ng sundalo dahilan upang humingi ng tulong sa pulisya na nag­resulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Kusang-loob na isinurender ni Paguirigan ang kanyang kalibre .45 na baril. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.