Una sa Balita

Sundalo kritikal sa boga ng pulis

0 303

Nagtalo dahil sa parking

NASA kritikal na kondisyon ang isang sundalo matapos na pagbabarilin ng pulis dahil sa alitan sa paradahan sa Ilagan City, Isabela noong Martes.

Kinilala ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng .9mm pistol na si Army Cpl. Richard Limon, ng nasabing bayan.

Samantala, ang suspek na agad namang naaresto ay kinilalang si P/SSgt. Glen. Mark Geronimo, nakadestino sa Ilagan City Police Station.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay Ilagan City Police chief-of-police P/Lt. Col. Rafael Pagalilauan, una umanong pumarada si Geronimo sa silid ng Mangahan Grill bago dumating si Limon na lulan ng isang Isuzu Crosswind.

Dito umano nagkaroon ng sagutan and dalawa na humantong sa suntukan hanggang sa bumunot ng baril si Geronimo at binaril si Limon sa katawan ng dalawang beses.

Agad na isinugod sa Cagayan Valley Medical Center sa T­uguegarao City si Limon na nasa kritikal na kondisyon.

Naka-off duty umano si Geronimo habang ang sundalo ay sumasailalim sa training sa 5th Infantry Division Philippine Army sa Gamu, Isa-bela at dapat aniyang hindi lumalabas maliban kung binigyan ng pass para makalabas.

Ayon pa kay Pagalilauan, nasa kustodiya ng pulisya si Geronimo at kakasuhan ng frustrated homicide at aalamin nila kung nalabag nito ang Omnibus Election Code dahil umiiral pa rin ang election gun ban. (A­llan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy