Sundalo dinukot ng ASG sa Sulu

By

ZAMBOANGA CITY – Isag sundalo na dating kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang bagong bihag ng bandidong grupong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.

Kinumpirma ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdukot ng grupo kay Staff Sergeant Anni Siraji ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ayon sa ulat, si Siraji ay dinukot ng pitong armadong ASG habang patungo ito sa Barangay Igasan sa Patikul kahapon.

Nagpadala na ang militar ng isang platoon ng mga sundalo upang tugisin ang grupo ng Abu Sayyaf na dumukot kay Siraji.

“One platoon of soldiers was immediately sent out to pursue the militants and rescue Siraji,” ani Army Captain Jo-ann Petinglay, spokesperson ng WesMinCom.


SHARE