Una sa Balita

Sumuporta kay Joy: Robin naduwag sa mura ng mga galit kay Belmonte

0 1,080

Pansamantalang isinara ni Robin Padilla ang comment section sa Instagram niya sa pagposte niya ng larawan ni Q.C. Mayor Joy Belmonte.

Nakahanap ng kakampi si Mayor Joy Belmonte kay Robin, base sa message caption na isinulat ng aktor na nagtatanggol sa una.

Sinabi ni Robin na naniniwala siya sa Mayora na may ginagawa ito na hindi na ipinu-post.

“Ako ay naniniwala kay Mayor joy Belmonte…hindi lahat ng bagay ay nasa social media, kami ni Mariel bukod sa pagsasaayos namin ng aming mga empleado may mga ginagawa kami sa ibang tao na hindi na namin pinopost. Let’s give her a break, iba-iba ang style ng mga mayor,” sabi ni Robin.

Alam ni Robin na mumurahin siya ng mga galit kay Mayor Belmonte.

Ayaw rin ni Robin na makipagtalo pa sa mga namumuhi kay Mayor Joy Belmonte. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More