Una sa Balita

Sumukong rebelde utas sa Antipolo City

0 258

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang sumukong rebelde ng d­alawang hindi pa kilalang salarin kamakalawa nang umaga sa Antipolo City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Rodel Agudes, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. Calawis ng lungsod na ito, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Antipolo City Police na ipinadala sa Police Regional Office (PRO) 4-A Calabarzon, dakong alas-siyete nang umaga nang maganap ang krimen.

Mabilis na tumatakas patawid sa ilog, sa direksiyon ng San Mateo, Rizal ang mga suspek, ayon sa hindi pinangalanang testigo.

Ayon sa mga kaanak ni Agudes, dati umano itong rebelde na nagbalik-loob sa mga awtoridad at kusang sumuko sa 16 Infantry Battalion, may walong taon na ang nakalilipas, ngunit palaisipan pa sa mga imbestigador kung posibleng may kinalaman ito sa krimen.

Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga salarin, gayundin ang kanilang motibo sa pagpatay.

(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy